Saturday, February 09, 2008

Just Thinking (99% Rare Entry)

Ewan ko ba, dahil kay “di nya ako type =(” napaisip-isip tuloy ako.

Paano kasi, iniisip –isip ko kasi sya. lintek nga eh.

ANG NAPAISIP-ISIP KO

May mga litrato pa ako nung ako ay bata pa. maitim pa ako noon, payat. At mas importante, may isa akong alam sa sarili ko:

HINDI AKO GWAPO.

Ito siguro yung dahilan kung bakit tama lang na tawagan akong “busted boy.”

Busted ako nung elementary days. Ang landi ko kasi, grade one pa lang may crush na agad. Noralyn yung pangalan nya, seatmate ko, anak ng isang teacher sa eskwela. Kahit ngayon, sha pa rin yung babae na may pinakamagandang penmanship na nakita ko. Ang dahilan siguro kung bakit napakaganda ng penmanship nya ay dahil sa napaka soft and smooth and supple ng kamay niya, na minsan ko na ring nahawakan. Di ko nga lang tlaga masabi if dahil sa aksidente or dahil nag-chancing ako. As I said, bata pa lang lang malandi na ako.

Dahil din kay Noralyn nanakit ako ng tao. May berkz kasi ako that time, si Valentino. Isang araw, pinaabot ni Noralyn yung papel nya sa akin, ako na lang daw mag pass kay ma’am. Di ko alam ano ang dahilan kung bakit kinuha ito ng berkz ko at sa kasamaang palad ito ay nabasa. Ayun tuloy, nagmukhang mumu ang magandang penmanship ni Noralyn.

Sinapak ko si Valentino dahil dun. Nagtatakang nagtatanong ang best berkz ko na akala daw nya berkz kami tapos sinapak ko sha.

Madami pa rin akong naging crush noong elementary pa lang ako, pero si Noralyn yung unang karanasan ko na maging busted. Busted din ako sa mga iba.

High School Days…

…tuloy pa din ang busted record ko. Though sa kabutihang palad dito din nagsimula na maging malapit ako sa mga babae kong classmate, di naman sa nagyayabang pero dito yung mga unang signs na may malaking puso at pagmamalasakit pala ako para sa kababaihan. Ang ibang dahilan dito ay hindi kasi ako madamot magpakopya ng answer tuwing may test kami, di tulad nung elementary na tinutukan ko ng pencil ang classmate ko na gusting kumopya. Kahit busted man, di naman ganon ka frustrating ang high school, kasi yun nga, close ako sa mga babae, though medyo malapit din itong masira nung nahuli nila akong sa aktong nakikipag-swap ng vhs tape sa isang schoolmate na taga ibang section.

“Akala naming bata ka pa Jason” sabi sa akin ng 2 kong babaeng classmate “pero yun pala, marunong ka na gumawa ng bata.” Ex-rated tape kasi yung hawak ko nung nahuli nila ako eh.

Hihihihihihi, di lang pala ako malandi at medyo may pagka-viloent, may pagka anyak din pala.

College Life

Hay salamat, may Diyos pala na nadinig mga prayers ko.

Hindi na ako busted. Hindi din akong nahirapan na mapaakit ang isang dalaga. Napaisip nga ako that time na since may pumatol na sa akin nung college ako, it figures na tanga yung mga babae sa high school na di tlaga ako pinansin. leche sila!

Ang gaganda ng mga babae sa Ateneo. I swear! And dahil nagsimula na ang pagbabago sa buhay ko, I was on a roll. Yeah babeh!

Hindi naman sa pagyayabang, ehem ehem, pero iba tlaga buhay college pagdating sa babae. Madami akong pwedeng pagpilian. Madaming willing. Meron nga sa kanila, kahit pa alam nila na may gf na ako that time, ako pa ang nilalandian. Yung iba, nagbilin pa na paki inform lang daw sa kanila if break na kame ng gf ko para sila na daw ang papalit. Walang kasinungalingan ito, peksman, cross my heart pa! Hindi ko nga ma explain bakit nagkaganon eh.

Hindi naman ako gwapo, wala akong sikot, wala akong pang-date.

Though kahit corny, magaling magsulat ng poems.

But, aaminin ko, nagloko din ako.

Kaya nga pwede kong sabihin na asal aso ang mga lalaki eh, hindi dahil santo ako pero dahil demonyo ako tulad ng karamihan ng lalake, bukas ngayon at magpakailanman.

Hey, what can I say, we men are such bastards! At least honest bastard ako.

Nagloko ako. Nagpaiyak ako. I took advantage. I played women, or as one gurl told me, nangongolekta daw ako ng babae parang bang perlas sila, para kompletuhin daw para gawing necklace.

In short, nagwaldas ako sa pagmamahal ng mga babae a akin….

…which now brings me to the point of the matter of this blog entry:

Ito ba yung parusa ko, na ganito na lang mapapala ko, paisip-isip na lang sa isang babae na di naman ako type.

Siguro nga, if naging mas mabait ako, siguro maging type pa nya ako.

Malay, baka mahalin pa nya ako.

And siguro, di ako iiwanan.

p.s. lecheng paisip-isip pati tuloy oras nyo nawaldas ko.

No comments: